Marites’ Realizations and Learnings

Ang pangangalap ng impormasyon ay isang mahirap na proseso sapagkat marami kang pagdadaanan bago mo pa maumpisahan ang mismong pangangalap.

Una sa bahagi ng prosesong ito ay ang pag-oobserba.

Sa iyong pagmulat ng mata, pagbubukas ng iyong tainga’t isipan, maoobserbahan mo ang bawat kinikilos sa iyong kapaligiran. Makikita mo ang mga suliranin at maaaring dahilan kung bakit ang mga ito’y umiiral.

Kislap Ningning

Si Ms. Marianne Yzabelle P. Laron ay isa sa mga mahuhusay na estudyante ng UPLB BS DevCom at Cum Laude ng Batch 2014, Class 2018. Siya rin ay naging bahagi ng CDCSC bilang isang councilor at committee head ng CDC Volunteer Corps mula taong 2017 hanggang 2018.

Sa kanyang journey bilang isang undergraduate student ng devcom, marami siyang karanasan at mga aral na naging baon hanggang sa kanyang kasalukuyang trabaho.

Ayon sa kanya, bukod sa teknikal na kaalaman at kasanayan na natutunan niya mula sa napakahusay na training at edukasyon sa ilalim ng kursong BS Development Communication at sa tulong ng mga CDC professor, siya rin ay natuto ng mga napakahalagang kasanayan sa buhay. Ang mga kasanayang ito ay ang critical thinking, collaboration, problem sloving, empathy, work ethics, intrapersonal, at interpersonal na komunikasyon sa ibang tao na nakatulong upang siya’y maihanda sa kanyang trabaho ngayon bilang isang Technical at Research Specialist sa Executive Office ng Knowledge Channel Foundation, Inc. na isang non-profit foundation na tumutulong upang maiangat at mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ibinahagi niya rin ang ilan sa pinakana-mimiss niyang karanasan bilang devcom undergraduate student, ito ay ang production classes at fieldworks na kung saan ay bumibisita sila sa mga komunidad, nakikipag-usap at nakikipagkwentuhan sa mga tao, nakikibahagi at nakikipagtulungan sa mga grupo at organisasyon. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito at proseso, siya’y nahubog at nahasa bilang isang mag-aaral, bilang Pilipino, at development communicator.

I realized that the world does not revolve around me and my personal dreams, nor was I a lone Messiah “bringing” development and social change.

Marianne Yzabelle P. Laron

Keep learning and unlearning.

Marianne Yzabelle P. Laron

Ang dating kumikislap na tala’y ngayo’y nagniningning na at patuloy na nagsisilbing liwanag sa iba sa pamamagitan ng mga karansan, kasanayan, at mga aral hindi lamang sa loob ng unibersidad kundi sa araw-araw na pakikipag-komunikasyon sa komunidad, sa mga tao.

Akala ko hindi madadaan sa manifesting

Isa ang Unibersidad ng Pilipinas sa aking mga pinasahan ng aplikasyon para sa pagpapatuloy ng aking pag-aaral at pag-uumpisa sa kolehiyo. Kulang ako sa paniniwala sa aking sarili na makakapasa ako. Agad ko ring sinabihan ang aking magulang na huwag asahan na kakayanin ng mga marka na aking pinaghirapan noong high school ang napakaataas na pamantayan ng unibersidad na ito sapagkat ayaw ko silang makaramdam ng disappointment kapag lumabas na ang resulta.

Ang katiting na paniniwala at pag-asa sa aking mga paghihirap ay unti-unting lumalakas hanggang sa dumating na araw na ilalabas na ang resulta. Ang araw na maaaring umiyak ako sa tuwa o lungkot, at ngayon ay nandito na ako sa UPLB, sa ilalim ng kursong hindi ko inaasahan na darating sa aking buhay.

Ilan lamang ito sa aking mga karanasan sa UPCA. Marami pa akong pinagdaanan bago marating ito, kaya’t nandito ang ilang tips para sa mga nangangarap na makapasa sa unibersidad na ito.

Una sa lahat, habang ikaw ay nasa junior high school at senior high school pa, umpisahan o pananatilihin mo ang magandang marka sa iyong records. Ito ang pinakapagbabasehan at pinakasusi sa iyong pagpasa lalo na’t walang pagsusulit na makapagbibigay ng mas malaking pag-asa sapagkat tayo’y hindi pa rin matapos-tapos sa pandemya.

Pangalawa, maagang asikasuhin ang mga dokumentong ipapasa sa unibersidad. Bumase sa proseso at mga kinakailangang dokumento mula sa nakaraang taon ng aplikasyon. Ito ay para maging handa at hindi abutin ng deadline ng aplikasyon.

Pangatlo, i-double check ang mga impormasyon at dokumento bago i-click ang submit. Siguraduhing tama ang lahat upang maiwasan ang aberya sa pagproseso nito na maaaring maging dahilan ng hindi pagpapatuloy ng iyong aplikasyon.

Pang-apat, pagkatapos mong magpasa ng mga dokumento, ang maaari mo na lamang gawin ay mag-manifest, maniwala, at magdasal na maging maganda ang resulta ng iyong aplikasyon.

Panghuli, kung ikaw ay makapasa, deserve! Kung hindi naman, give yourself a pat on the back. Wag mong maliitin ang sarili mo, maaaring may mas maganda pang plano ang tadhana para sa iyo. Tuloy lang ang buhay.

Nagkaroon man ako ng pagdududa sa aking sarili, dininig naman ng kalawakan ang maliit na tinig na sinasambit ang “Manifesting pumasa sa UP” ngunit hindi dito natatapos ang lahat, ang kahaharapin ko namang hamon ngayon ay kung papaano makakalabas dala ang inaasam na diploma at sablay…

Narito ang isa sa aking comfort songs, at isang mahigpit na yakap.

Handa ka na ba?

Ang bawat assessments at activities na inilalapag ay napakahalaga sapagkat ang mga ito ang pinakapagkukunan ng iyong mga marka sa subjects lalo na ngayong tayo’y nasa online set up.

Kaya’t simulan nang magbanat-banat dahil narito ang ilan sa aking mga natutunan at napagtanto na dapat ay aking ginawa para sa aking assessments at activities.

Una, makinig at magbasa. Makinig mabuti sa lessons na itinuturo ng inyong professor at basahin ang mga ibinigay na modules o learning materials. Unawaing maigi ang mga ito upang mayroon kang maisagot sa iyong mga gawain.

Pangalawa, magsulat. Laging mag-take notes sa lectures at consultations dahil maaaring may mali o may mabago sa instructions para sa assessments at activities.

Pangatlo, manaliksik. Maghanap ng references sapagkat ito’y kinakailangan sa activities at bahagi ng criteria. Makatutulong din ito upang mas maunawaan ang mga lesson.

Pang-apat, magbahagi. Ito ang madalas kong nakakaligtaan sa aking pagbibigay ng sagot sa assessments. Dapat ay lagi mong ihanda ang iyong mga karanasan. Sa pagsasagawa ng assessments, makatutulong sa iyong pagbuo ng sagot ang pagbabahagi ng iyong mga karanasan patungkol sa aralin na tinalakay.

Panglima, maging maagap. Umpisahan agad ang mga gawain upang hindi mo ito pagsisihan. Hangga’t maaari ay pilitin ang sarili na huwag mag-procrastinate at huwag pasanay sa cramming upang hindi matambakan at magkaroon ng maayos na gawa.

Handa ka na ba? Aba’y dapat lang.

Nawa’y makatulong ang tips na ito sa iyo at sa aking sarili sa hinaharap upang kahit papaano’y maging madali ang ating mga gawain.

I’ll Make You Cry

“I’ll make you cry” sabi ng aespa at ganito rin ang sabi ng SAIS ayon sa mga nababasa kong posts ng mga isko’t iska . Paluluhain ka nito dahil sa paulit-ulit na system error at sa medyo pahirapang pagna-navigate.

Bago pa man mag-umpisa ang klase ay iba ang pagkasabik at kaba na aking nadama habang bawat oras na tinitignan ang inbox ng aking email. Gustong-gusto ko nang makuha ang aking SAIS account upang makita ang aking schedule at mga subject.

Nawala ang pinta ng kasabikan sa aking mukha nang akin nang mapuntahan ang SAIS website. Ilang beses ko nang sinubukang buksan ito gamit ang UP mail na ibinigay sa akin ngunit paulit-ulit lang din ang nararanasan kong aberya kaya’t ipinagpabukas ko na lamang.

Nang sa wakas akin na itong mabuksan, ako nama’y naguluhan at nagtaka kung paano hahanapin ang aking schedule at iba pang mga impormasyon. Mabuti na lamang ay mayroon mga hulog ng langit na tumulong sa aming freshies. Nagsagawa ng isang orientation patungkol sa pag-navigate ng SAIS ang grupo ng CDC students sa aming discord channel na pinangunahan ng aming seniors.

Sinubukan ko ring i-explore ang website na mayroon pa ring kaunting kaba at pagkalito. Maswerte kaming freshies dahil hindi pa namin naranasan sa unang sem ang nakakakilabot, pahirapan at ubusan sa pagkuha ng subjects.

Ngayong kami’y patapos na sa unang semester, nawa’y sa nalalapit na ikalawang semestre ay makisama ang SAIS at makuha ang aming mga subject na nais kunin sa kalahati ng taon na pag-aaral sa UP. Nawa’y paiyakin kami nito sa sobrang saya.

Kailangan kita, ngayon at kailanman

Made with Canva

Hirap na hirap ka na rin ba sa sangkatutak mong sulatin? Kasi ako rin.

Bilang isang manunulat na ang naging pokus ay paglikha ng mga kwento at kaluluwa ng pagtatanghal at pelikula, lubha talaga akong nahirapan sa pagpasok ko sa kursong DevCom. Kadalasan ay nahihirapan din ako sa gramatika at pagsasagawa ng panayam kaya narito ang limang kasangkapan na ating makakasangga mula kay Ms. Kathleen Balbin, sa isa sa mga upperclass devcom students at resident member ng UP Alliance of Development Communication Students.

Slides made with Canva

Narito rin ang isang payo na makatutulong upang maging maayos ang ating ipapasang sulatin.

Huwag mahihiyang ipabasa sa peers and mentors yung write up mo, meron at meron silang maitutulong para sa improvement ng final paper mo.

Ms. Kathleen Balbin

Sa panahong ika’y lunod sa maraming sulatin at gawain, nariyan ang mga kasangkapan na sasalba sa iyo ngunit laging tatandaan na malaki pa ring bahagi ng pagkakaroon ng maayos na papel ang iyong kasanayan at kalidad.

Tulad ng tools sa pagsulat, mayroong mga handang tumulong sa iyo mula sa mga pagsubok.

Pugad Ng Mga Bituin

Matapos mapanood ang AV plug, inaasahang ang mga manonood ay:

  1. Magkakaroon ng pangunahing kaalaman patungkol sa Lungsod Quezon.
  2. Magkakaroon ng kaalaman kung bakit tinaguriang “City of Stars” ang lungsod

Credits:

Quezon Memorial Circle Aerial Shots by Travell Erol

ABS-CBN Headquarter Shots by ABS-CBN News

GMA Building Shots by Raffy Tima

Background Music

0913 From.911

Sa nakalipas na quarter ng aking pag-aaral ng DevCom courses, tulad ng aking nabanggit sa week 5 blog ay hindi ito naging madali para sa akin. Marami rin akong bad study habits na aking nabitbit sa aking pag-uumpisa sa kolehiyo ngunit sa ilang buwan na pag-aaral ay may iilan akong napagtanto kung ano ang mga nararapat na ugaliin at sanayin upang maging balanse at maayos ang daloy ng aking buhay bilang isang estudyante.

Maging advance mag-isip

Bago pa man magsimula ang panibagong linggo, ugaliing magbasa ng mga ibinigay na slides, lectures, at iba pang modules o reading materials para mas madali na makasabay sa klase. Subukan ding gumawa ng drafts o outline ng activities para kahit papaano’y mayroon ka nang naumpisahan na maaaring dagdagan o kaunti na lang ang babaguhin pagkatapos ng talakayan.

‘Wag iasa ang lahat kay Batman

Huwag magpasa ng gawain na hindi pinag-isipang mabuti. Laging isaalang-alang ang rubrics ng bawat assessments at activities dahil ito ang pagbabasehan ng marka na iyong makukuha.

Kayang iligtas ni Batman ang taong babagsak mula sa building, pero ang marka mo hindi.

Pahinging sign, gagawin ko na ‘to

Ito na ang sign, sign na babagsak ka.

Hangga’t maaari ay gawin sa loob ng ibinigay na panahon ang mga gawain. Mag-isip ng mga positibong motibasyon, isipin mong deserve mong kumain ng isang pagkain na gusto mo o kaya bumili ng bagay na makakapagpasaya sa’yo matapos ang paggawa ng activities. Isipin mo rin ang kahahantungan ng hindi mo paggawa agad ng mga gawain.

Ang sign ay maaari mong mahintay, ngunit ang deadline ng gawain mo sa canvas at gclass ay hindi habang buhay.

‘Wag mahihiyang magtanong

Kung lubhang nahihirapang unawain ang isang aralin o gawain, ‘wag mahihiyang magtanong sa iyong kaklase dahil may ritemed para riyan! Ika nga nila, “Walang mangyayaring himala kung paiiralin ang hiya.” Hindi mo kailangang sarilinin ang lahat, minsan kailangan mo rin ng tulong ng iba.

Mag-notes ka naman

Kapag nagsasagawa ng advance reading, take some notes!

Kapag nasa klase at mayroong discussion, take some notes!

Kapag may consultaion, take some notes!

Kumuha ng papel at panulat, mag-notes nang sa gayon ay madaling matandaan at maunawaan ang mga aralin. Isulat ang mga mahahalagang detalyeng ibinabahagi ng iyong prof na maaaring wala sa mga babasahin.

Alam ko at naiintindihan ko na maaaring napagod ka sa sitwasyon ngayong may pandemya na sinabayan pa ng mga personal na problema kaya para bang you lost in track, ngunit hindi nito ma-jujustify ang mga kamalian at mga pagkukulang mo sa pag-aaral.

Wala namang masama kung uunahin ang sarili ngunit lagi mong tatandaan na para sa’yo rin naman ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Hindi ganoon kadali ang pag-aaral lalo na sa sitwasyon ngayon, subalit kailangan mong piliting magpursigi sa abot ng iyong pinakamakakaya.

Sabi nga sa kanta ni Lady Gaga na 911, “My biggest enemy is me, ever since day one…”

Matagal na tayong magkalaban ngunit kung ito man nababasa mo nawa’y unawain at isabuhay mo ang bawat letrang nilalaman ng liham na ito upang hindi mo na maranasan kung ano ang dinaranas ko dahil sa aking kapabayaan.

Isang mahigpit na yakap sa’yo 0913, mula kay 911.

Design a site like this with WordPress.com
Get started