Kabataang GMAnians, nangunguna sa community journalism

Halos dalawang taon nang umeere ang programang Balitang GMA sa Facebook page ng LGU General Mariano Alvarez, Cavite simula nang ipinalabas ang una nitong episode noong ika-27 ng Abril taong 2020, higit isang buwan matapos ideklara ang unang community quarantine sa bansa.

Ayon kay dating Public Information Officer (PIO) Derrick Ordoñez, layunin ng programang makatulong sa paglaban sa misinformation kasabay ng pandemya. May mga kaso kasi ng “fake news” na naitala sa bayan gaya ng mga maling pag-aanunsyo ng COVID-19 lockdown at ilang social media posts na kunyaring nagbebenta ng mga hulugang lupa.

Layunin din daw ng programa na bigyang pansin ang talento ng mga kabataan ng GMA pagdating sa pamamahayag. Sa ngayon, binubuo ang Balitang GMA ng dalawang anchor, apat na reporter, at tatlong miyembro ng technical team. Lahat sila ay mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang kurso at paaralan.

Ayon naman sa mga residente at manonood ng programa, malaking tulong ang Balitang GMA para malaman nila ang mga totoong balita at impormasyon sa bayan.

Sa komento ni Mark Gubagaras, mamamahayag at manonood, sinabi niyang nakatutulong ang programa para mas matimbang niya ang mga nakukuhang impormasyon, lalo pa’t may iba’t-ibang bersyon nito sa social media.

Kaya naman, mas paiigtingan pa raw ng Balitang GMA ang pagtulong sa kampanya kontra “fake news” ngayong taon.  

Samantala, inaanyayahan naman ang mga residente na makiisa sa balitaan. Maaari nilang i-post ang mga video at picture ng mga kaganapan sa kanilang baranggay gamit ang #RondaGMA. Isasama rin sa Balitang GMA ang mga piling litrato at video galing sa mga residente.

Viva, Kabutenyo!

Objectives:

After watching the AV plug, the viewers should be able to:

  1. Identify at least one tourist spot in GMA, Cavite.
  2. Promote the town’s festival.

Credits:

CNN Philippines, Building Bridges Cavite

GO Cavite, Kabutenyo Festival 2018

Local Government Unit – GMA, Christmas ID 2021

Mayor Maricel Echevarria Torres, Mag-Explore Tayo Ep 2: Cafe Espacio

Music for Video Library, Upbeat Drums | Percussion Background Music For Kinetic Typography

“ME?!” – dia Writer

Me? Media writer?

As one of the campus journalists who entered the world of Press Conferences at a young age, I grew up idolizing our mentors who are media practitioners too.

“Nasa fact sheet ‘yan? Kailangan nasa fact sheet sabi ni Sir Robert!”
“Napanood niyo ‘yung report ni Miss Ces kagabi? Ang talino talaga!”
“Grabe, ang dami na namang tinanong sa’min ni Sir Julius!”

Puts a premium on accuracy and truth, curious, intelligent – these qualities that our mentors showed us belong to the key qualities of a media writer discussed in our DEVC 11 class. I believe that among all the qualities, these three require more priority. Media writers are responsible for delivering accurate and truthful information to their audience. With the dissemination of false information in our society today, this responsibility seems to be more critical than it has ever been. Also, media writers must fully understand their assignments to produce comprehensive stories, which will be easier with intelligence. Curiosity, on the other hand, drives media writers’ desire to know more about their stories, and offer more to their audience.

Self-assessment: Qualities

Aside from these qualities, skills are also important for media writers. As a media writer in training, I see the need to hone my skills even further, particularly in data gathering, which I consider as the most critical, but also my weakness. In our generation, collecting information from various sources is easier. However, the real challenge is ensuring that these data are reliable. A good story starts with a good data set and to create one, data gathering skills are vital.

Self-assessment: Skills

After all, I am aware that my journey to becoming a media writer will be a long and bumpy one, but what matters most is that it has already begun. I grew up idolizing our mentors and now, it’s time to bring out the “me” in “media writer.”

Masterpiece

Sa totoo lang, halos limang oras na yata akong nakaupo rito. Nakatitig sa screen. Magta-type tapos buburahin din. Posible bang hindi ko lang talaga alam kung sino ako?

“Hi! I’m Jaslynne Giron. I was a campus journalist, and now I’m an anchor for our town’s news program.”

‘Yan ang sinasabi ko tuwing kailangan kong ipakillala ang sarili ko. ‘Yan din kasi ‘yung pinakamadali, pinaka-obvious. Pero bukod d’yan, hindi ko na alam. Ang alam ko lang marami pa ‘kong pwedeng ikwento, marami pang pwedeng pakinggan.

Ako si Jaslynne Giron. Matalik na kaibigan ng rejection.

Pagtapos manalo sa una kong National Schools Press Conference noong Grade 6, tatlong sunod-sunod na taon akong natalo. Sa pang-apat, pasok na sana pero kinapos ng kaunti sa Regional Schools Press Conference. Sa huling subok, naging kampeon ng Calabrzon sa tatlong kategorya. Sa wakas, natupad pa rin ang pangakong makakabalik sa NSPC.

Matapos ang ilang taong paghihintay, hindi ako pinalad na makapag-uwi ng medalya galing sa NSPC. Tila ninakaw din ng pandemya ang oportunidad kong makabawi sa huling taon ng sekondarya. Pero panibagong pinto naman ang nagbukas. Inanyayahan akong maging parte ng Balitang GMA. Sa wakas, natupad ang hiling na maipagpatuloy ang pamamahayag.

Pero ang pinakamasaklap yatang rejection ay ang hindi ko pagpasa sa University of the Philippines College Application. Pagkatapos kong umiyak, pinili ko uling lumaban. Sumubok ako sa “recon” at natanggap. Sa wakas, natupad ang pangarap na maging Iskolar ng Bayan.

Naging best friend ko na nga yata talaga ang rejection. Sinasamahan niya kong mahanap kung saan talaga ko mas bagay. Tinutulungan niya akong malaman kung sino nga ba ako.

Ako si Jaslynne Giron. Marami pang pangarap na pipiliting tuparin. Marami pang kwentong bubuohin.

Sabi nga ni mareng Jessie J…

You haven’t seen the best of me

I’m still working on my masterpiece

Jessie J. “Masterpiece”

Design a site like this with WordPress.com
Get started