Media Writer Self ~ Version II

Over the 16 Weeks as a DEVC11 student, I gained a lot from my professors and experiences. For a semester, I was engaged in the central concepts of development communication, which trained and sharpened me as a development communicator-in-training. It provides me with the necessary qualities and skill set to be a successful media writer.

I went into the training with nothing, full of fears and doubts. I wasn’t sure whether I could be a dedicated media writer back then. I considered quitting because of the difficulties I had to overcome to become the writer I am today. Indeed, keeping track of one’s progress is a tool for identifying room for improvement.

Let me rate myself, again!

I was introduced to the reality of the field during the lecture assessments and laboratory activities. I learned that I needed to be more curious about everything since it is the foundation of creativity and imagination. When it comes to data, research, publications, and news, I need to be resourceful. In data collection, being quick-witted is critical. And, with so much material and information available, I need to read a lot more because it’s essential to emphasize the main points and offer correct and dependable data. I need to make sure that each piece of information I put in or write makes a substantial addition to the overall picture.

Although I am still not excellent enough, I have developed my qualities and skills as a media writer. My media writer self merged due to the various activities we engaged in. I’m aware that I still have a lot of work to improve my capabilities as a development communicator and media writer. I’m hoping that by having these characteristics and talents, I’ll be able to put them to good use and live them out as I go on my DevCom adventure.


#JunkSAIS, but why?

The feared SAIS (Student Academic Information System) is the biggest worry of every UP student, particularly freshmen, who have heard horrible stories from upperclassmen. Even before entering university, #JunkSAIS was an unavoidable phrase to hear and read.

“SYSTEM ERROR” – always the problem. UP students’ comments over the college’s online registration process may be seen all over the internet. I came across it everywhere, whether through Facebook updates, tweets, or Instagram stories.

Courtesy of the UP Internet Freedom Network

MORE DETAILS: https://www.reddit.com/r/peyups/comments/inmr0p/junk_sais_an_infographic_by_the_up_internet/

For some, it’s really a great depression.

When I first visited the SAIS, I already had preconceived notions. It was owing to several of my friends’ first-error experiences. I haven’t tried out the SAIS for enrollment yet, but I have a fair idea of how it works. All I have to say is BEST OF LUCK TO ALL OF US, FRESHIES!

Because I’m anxious about my SAIS 2022 experience, I’ve attentively listened to every piece of advice offered by experts and upper-class members, and I’d want to share it with you.

  • Find and schedule all of your desired courses for the upcoming semester on your SAIS account.
  • Plan your ideal timetable, but keep in mind that due to the uncertainties, you must be flexible.
  • On the day of enlisting, make sure you have a stable and strong internet connection.
  • If possible, add to cart anytime, anywhere.
  • PRAY!

HERE’S FOR MORE: https://www.reddit.com/r/peyups/comments/jwdonp/uplb_sais_tips_tricks/

O_O

Hoping not to encounter you, see you SAIS. Please be good to me!

Bukambibig 2021, Matagumpay at Makasaysayang Isinagawa

Hello! We are first-year BS Development Communication students at UP Los Baños. For Weekly Writes week 14, we were tasked to create a news package about a current event in the University.

News Anchor: Kenneth Alonzo
News Reporter: Fides Sebastian
Writer: Axcel Beltran
Researcher: Ansherine Panapanaan
Video Editor: Sean Alsim

Kindly access this link for the two-column script.

Ang kwentong UP ko.

“Try ko lang mag-apply pero baka hindi rin naman ako makapasok saka ayaw ko rito mag-aral, mahirap daw kasing lumabas,” ang paulit-ulit kong sagot sa mga taong nagtanong sa akin noon kung magpapasa ba ako ng aplikasyon sa unibersidad na ito.

Simula pa lamang ay mahina na sadya ang aking loob. Parati ko noong iniisip na hindi ko kaya rito mag-aral, mahirap nga raw makapasok ano pa kaya ang makalabas. Ni hindi ko nakita ang aking sariling nag-aaral dito sapagkat takot lamang ang nanaig sa akin marahil ay dulot na rin ng aking mga naririnig na sabi-sabi. Ayon sa nakararami, hindi biro ang mag-aral sa eskwelahang ito sapagkat patibayan ng loob ang naturang labanan dito. Ngunit sa pagdaan ng mga buwan, hindi ko namamalayang nagbabago na pala ang ihip ng hangin. Hindi ko matandaan kung paano ko na lamang parating hinihiling sa Kaniya na sana ay matanggap ako sa unibersidad na ito. Kaya naman, heto ako, malapit nang matapos ang kauna-unahang semestre sa minsan ko ring pinangarap na paaralan, ang Unibersidad ng Pilipinas.

Hindi man namin naranasan ang mag-UPCAT, mag-enroll sa mga review centers, at naging iba man ang proseso ng aming pagpasok dito sa unibersidad dahil sa pandemya ngunit alam ko at naniniwala ako na kami ay mga Isko’t Iska for a reason.

Marahil ngayon ay nagtataka ka kung ano at paano nga ba ang nangyaring proseso sa amin noon. Huwag kang mag-alala future kapwa Iska dahil handa akong tumulong sa’yo at sa magiging preparasyon mo upang maging ganap ka ring Iskolar ng Bayan.

Yes, maraming kailangan ipasa sa simula pa lamang. Napakaraming mga dokumento ang kailangan mong asikasuhin o ihanda sa iyong aplikasyon sapagkat ang lahat ay ipapasa online. Scan. Print. Xerox. Compile. – ‘yan ang mga bagay na dapat mong gawin bago magsimula ang unang araw ng aplikasyon. Matapos mong makapagpasa ng mga dokumento, matagalang pag-iintay na naman ang kinakailangan mong kaharapin. Ilang buwan din ang lilipas bago ilabas ang resulta. Ngunit hindi naman mababalewala ang lahat ng paghihintay mo sapagkat anuman ang maging resulta nito ay tiyak na mayroong magandang dahilan. At sa huli, magiging worth it ang lahat-lahat.

Bilang isang estudyanteng nangangarap at umaasang magiging isang Iskolar ng Bayan, huwag ka nawang mawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay. Maaaring makapasok o matanggap ka agad sa unibersidad na ito ngunit maaari ring hindi dahil sa bagong sistema ng aplikasyon. Sa kabila nito, lagi mong alalahaning may mga pangalawang pagkakataong ipinagkakaloob ang mundo at maswerte tayo sapagkat ibinibigay din ito ng ating unibersidad. Kaya huwag kang malulungkot kung hindi ka agad matanggap sa unang pagkakataon sapagkat pagkakalooban ang lahat ng oportunidad upang maging isang ganap na Isko o Iska.

Tulad nang aking nabanggit, walang kasiguraduhan ang lahat. Hindi natin alam kung matatanggap ba agad tayo sa unang pagkakataon dito sa unibersidad. Ngunit ang maganda rito ay mayroong pangalawa. Hindi masama ang sumubok muli dahil para sa akin, ito ay tanda ng pagiging matibay at palaban. Matuto tayong tanggapin at pagbuksan ng pinto ang mga oprtunidad dahil maaaring ito ang magdala sa atin tungo sa ating mga pangarap. Sa huli ay hindi rin naman mahalaga kung recon o waitlisted ka sapagkat lahat tayo rito sa unibersidad ay pantay-pantay. Lahat tayo ay nakatadhana rito, may dahilan kung bakit tayo naririto, siguro’y nahuli lang ng pasok ang iba.


Ito ang kwento at ilang mga payo kong siguradong makatutulong sa iyo. Sa aking palagay ay kaya mo nang maging handa, maging palaban, at sumubok na maging isang Iskolar ng Bayan. Hihintayin kita, future Isko/Iska!

Memorare

Before the year begins, I know that writing will be an integral part of my university adventure as a Development Communication student. I was frightened because I only knew how to write simple essays, reflections, reaction papers, and such. When it comes to writing, especially journalistic writing, I’m not too good. However, I believe I have already acquired the foundations of preparing for DevCom tasks or exercises. In this week’s Buhay Devcom Lifehack Series, I’ll showcase with you the five things that might help us prepare for all of the DevCom activities and exercises we’ll encounter.

The first thing I want you to remember is to ✨KNOW THY PURPOSE ✨.

We constantly write for the public as DevCom students. Our purpose for every piece of work we produce is to be the voices of the unheard. It’s critical to have a goal in mind when writing, whether for DevCom tasks, exercises, essays, or other courses. Knowing our purpose motivates, devotes, and inspires us to keep going despite the challenges we confront. Recognizing the aim of our writing acts as a map for our work, ensuring that we do not get lost on our journey as media writers.

We must ✨ PLAN ✨ once we have established our purpose for whatever we are writing.

Plan and prepare beforehand! Planning is our thing, what with all of the tasks a DevCom student has to do. Scheduling timeframes, activities, and the dates it must be accomplished is a significant aspect of this phase. We’ve got NOTION! It’s a lifesaver, particularly for DevCom students. Assembling everything down makes it easier to manage them in our timetable. I realized this late, so if you don’t want to be like me, “sabog,” please use Notion or any planner.

Using planners, we can always ✨ TRACK OUR PROGRESS ✨.

I find Notion very interesting because it allows me to monitor my performance. I can check if my tasks are in progress, not moving, or completed. It’s also inspiring because just seeing that you are progressing is an accomplishment already. I’d say it benefits with and the activities I’ve been engaged in, although it is a simple but effective approach to satisfy oneself.

TIME IS EVERYTHING ✨ in all of the activities and exercises.

Time is precious, as cliché as it may sound. Each day, everything we do with our time influences how the following days will be. With my Devc11 laboratory tasks, I understood just how pivotal it is. Always keep in mind that we have other courses that require us to work in different activities. We must be disciplined with our time since we never know when we may be flooded with tasks. Pausing and recuperating are advocated.

After all, ✨ ALWAYS ALLOW YOURSELF TO TAKE A BREAK ✨.

Breathe! With everything we’re going through right now, a break is what we need. We may always feel overwhelmed, uninspired, and exhausted, so take some time to breathe and unwind meanwhile. We put too much pressure on ourselves at times, which is unhealthy. It is very acceptable to take a break and rest. Why not give ourselves time to be free and away from these things after exerting all of our efforts and dedicating a lot of time to all of these? We deserve it!


All of these are basics, but I am certain that they are critical for you to acknowledge. Continue to believe in yourself and your dreams! Memorare, progress is not linear.

Gumising ka!

Pinagpasyahan kong simulan itong aking blog sa pamamagitan ng isang tulang isinulat ko. Ito ay upang mapagtanto mo ang tunay na kalagayan ng ating kalikasan ngayon. Nais kong tanungin mo ang iyong sarili kung sa mga malilit bang mga bagay tulad ng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan, pagsunod sa mga alituntunin sa inyong komunidad, at tamang pag-segragate ng mga basura, mayroon ka pa rin bang disiplina?

Bilang isang kabataan, isa sa mga pinahahalagahan ko ay ang ating kalikasan sapagkat naniniwala ako na ito’y isa sa ating mga yaman. Para sa akin, ang pagkakaroon ng isang malinis at maayos na kapaligiran ay isang puhunan tungo sa pagkamit ng maganda at malusog na kinabukasan. Kaya naman, hindi na ako nagdalawang isip pa kung ano ang nais kong tatalakayin sa aktibidad na ito.

Photo Courtesy of City Tourism & Cultural Heritage Development Office of Sto. Tomas, Batangas

CITY OF SANTO TOMAS. Ang kinabibilangan kong komunidad ay hindi nawawalan ng suliraning pinansiyal, kalusugan, kalikasan, at marami pang iba. Sa pagdaan ng maraming taon, patuloy ang paglaganap ng mga ito. Kahit na paunti-unting nabibigyan ng solusyon ay tila walang katapusan ang kanilang pag-iral. Aking napansin na ang problema sa basura ang pinakamahirap wakasan sapagkat kaakibat nito ang disiplina ng mga mamamayan. Patuloy na paggamit ng mga plastik, maling pagsasaayos ng basura, at pagtatapon ng mga basura sa mga ilog o kanal ay ilan lamang sa aking naobserbahan dito sa Santo Tomas.

Ika-7 ng Setyembre 2019 nang maging ganap na lungsod ang Santo Tomas. Maraming mga oportunidad ang naging bunga ng pagiging isang lungsod nito. Isa na rito ang pagtatayo ng mga iba’t ibang establisyemento at negosyo. At dahil naging uso rin sa panahon natin ngayon ang milk tea and coffee, marami ang mga nagsulputang negosyo. At ano ang kadalasang ginagamit ng lahat upang makuha ang mga boba pearls, coffee jelly, nata de coco, at iba pang mga sinkers? STRAWS! Single-used plastic straws.

Nabibigyan man ng solusyon, kulang pa rin ang aksiyon.

Photo Courtesy of JCI Sto. Tomas Batangan

RICE STRAW. Sapagkat ang paggamit ng single-used plastic straws ay hindi makatutulong sa ating kalikasan at makadaragdag lamang ito sa plastic pollution, minabuti kong talakayin ang paksa tungkol sa paggamit ng edible rice drinking straw bilang isang alternatibo sa plastic straws. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng sapat na kaalaman ang kinabibilangan kong komunidad tungkol sa paggamit ng mga iba’t ibang eco-friendly na mga bagay tulad ng Rice Straw. Kung ito rin ay pagtutuunan ko ng pansin, malaki ang maitutulong ng aking paksa upang unti-unting mabawasan o mawakasan ang problema sa kalikasan dito sa aking komunidad.


Ako, bilang isang kabataang may pakialam at malasakit sa kinabibilangan kong komunidad at mundo, nais kong maipamalas ang pagpapausbong ng pagpapahalaga sa ating kalikasan. Gising mga kabataan! Gising buong sambayanan! Huwag nating ubusin ang nakikitang luntian sa kapaligiran. May pagkakataon pa para isalba ang mga ito. Maliit man o malaking aksiyon ang ating gawin, tayo pa rin ay may tungkulin – tungkuling panatilihin ang kagandahan at kaayusan ng ating kalikasan.

4Ms

Takot at pangamba. Dalawang bagay na tangi kong naramdaman mula aking mapagtanto na ito na, nasa DevCom na nga ako. Hindi ito maipagkakakila sapagkat mga inihaing aktibidad pa lamang ay mapapansin na. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan sisimulan ang aktibidad na ito. Pinaniwala ko na lamang din ang aking sarili na kaya ko sapagkat lahat naman ng bagay ay natututuhan. Gayunpaman, kahit hirap at medyo ligaw, hindi ako nagpatinag bagkus, ipinagpatuloy ko ang laban at gagamitin ko pa ang mga aral na aking nakuha upang mas maging mahusay.

Matapos kong malaman ang mga aktibidad na kailangan naming gawin, ako ay agad na nagmasid sa aking komunidad. Napagtanto ko na kahit sa lokal na pamahalaan, napakaraming malalaking problema na ang mga nag-uusbungan na nangangailangan din ng agarang solusyon. Sa aking palagay, hindi na sapat ang makinig at maagmasid lamang. Ngunit dito ko rin nakita ang kahalagahan ng pagmamasid o pag-oobserba sa ating paligid. Na kung minsan, ito ang nagiging dahilan upang kumilos at gumawa tayo ng aksiyon.

Pagmamasid pa lamang ito at patungo sa pangangalap ng iba’t ibang impormasyon, maraming bagay pa ang aking naengkwentro at natutuhan na nais kong ibahagi sainyo.

Maaaring may mga estudyante ring nahihirapan tulad ko sapagkat hindi pa gaanong pamilyar sa mga aktibidad na tulad nito. Kaya’t napakalaking tulong ang ating mga propesor at kapwa mag-aaral sa iba’t ibang antas. Dahil sa presensiya nila, nakayanan at nagawa ko ng maayos ang mga aktibidad na ito. Para sa akin, ang pagtatanong ay hindi tanda ng kahinaan; ito ay isang kalakasan. Huwag tayong mahihiyang magtanong dahil hindi lahat ng bagay ay ating alam. Normal ang magtanong lalo na’t patuloy pa rin tayo nangangapa at kung minsan, sa pamamagitan ng pagtatanong ay nadaragdagan ang ating kaalaman at mas marami pa tayong natututuhan.

Ang kalidad ng istoryang isusulat natin ay nakasalalay sa ating pananaliksik. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng mas matibay na argumento ang ating paksa. Maraming impormasyon ang maaari nating makalap mula sa internet at maraming impormasyon din ating kailangan para sa ilalathalang papel. Bilang isang estudyante ng Komunikasyong Pangkaunlaran, kailangan nating maging mapanuri sa mga impormasyong ilalagay natin sa ating papel sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa kabuuang istorya.

Napakahirap ng online setup lalo’t higit pagdating sa pangangalap ng datos mula sa iba’t ibang indibidwal at panayam mula sa eksperto. Sa panahon natin ngayon, nakita ko ang mas malalim na kahalagahan ng komunikasyon. Kung tayo ay mahihiya at hindi magkakaroon ng lakas ng loob makipag-usap sa mga taong may mahalagang partisipasyon sa ating aktibidad, walang mangyayari at mararating ang ilalathala nating istorya.

Buhat ng ako ay magsimula ng aking istorya hanggang katapusan, iba’t ibang tao ang aking nakasalamuha. Ang mga taong nagbigay kontribusyon para sa tagumpay nitong aking aktibidad. Kung hindi dahil sa mga taong ito, hindi ako magtatagumpay kaya’t laking pasasalamat ko sa bawat isa sa kanila – sa presenya at oras na kanilang inilaan. Bagama’t lahat tayo ay nahihirapan ngayon dahil sa pandemya, hindi pa rin sila nag-alinlangang magbahagi ng sariling panayam at kaalaman. Kaya naman, huwag natin kailanman kalimutang pahalagahan at pasalamatan ang mga taong tulad nila.

Sa bawat bagay na ating gagawin, iba’t ibang aral ang ating matutuklasan. Maaaring mahirap ang proseso, ngunit dapat nating alalahanin ang sukdulang tagumpay. May takot man at pangamba, subalit ito ri’y mapapalitan ng saya. At huwag mo sanang kalimutan ang 4Ms na siyang maaaring maging gabay mo sa aktibidad na ito.

Design a site like this with WordPress.com
Get started