Kislap Ningning

Si Ms. Marianne Yzabelle P. Laron ay isa sa mga mahuhusay na estudyante ng UPLB BS DevCom at Cum Laude ng Batch 2014, Class 2018. Siya rin ay naging bahagi ng CDCSC bilang isang councilor at committee head ng CDC Volunteer Corps mula taong 2017 hanggang 2018.

Sa kanyang journey bilang isang undergraduate student ng devcom, marami siyang karanasan at mga aral na naging baon hanggang sa kanyang kasalukuyang trabaho.

Ayon sa kanya, bukod sa teknikal na kaalaman at kasanayan na natutunan niya mula sa napakahusay na training at edukasyon sa ilalim ng kursong BS Development Communication at sa tulong ng mga CDC professor, siya rin ay natuto ng mga napakahalagang kasanayan sa buhay. Ang mga kasanayang ito ay ang critical thinking, collaboration, problem sloving, empathy, work ethics, intrapersonal, at interpersonal na komunikasyon sa ibang tao na nakatulong upang siya’y maihanda sa kanyang trabaho ngayon bilang isang Technical at Research Specialist sa Executive Office ng Knowledge Channel Foundation, Inc. na isang non-profit foundation na tumutulong upang maiangat at mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ibinahagi niya rin ang ilan sa pinakana-mimiss niyang karanasan bilang devcom undergraduate student, ito ay ang production classes at fieldworks na kung saan ay bumibisita sila sa mga komunidad, nakikipag-usap at nakikipagkwentuhan sa mga tao, nakikibahagi at nakikipagtulungan sa mga grupo at organisasyon. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito at proseso, siya’y nahubog at nahasa bilang isang mag-aaral, bilang Pilipino, at development communicator.

I realized that the world does not revolve around me and my personal dreams, nor was I a lone Messiah “bringing” development and social change.

Marianne Yzabelle P. Laron

Keep learning and unlearning.

Marianne Yzabelle P. Laron

Ang dating kumikislap na tala’y ngayo’y nagniningning na at patuloy na nagsisilbing liwanag sa iba sa pamamagitan ng mga karansan, kasanayan, at mga aral hindi lamang sa loob ng unibersidad kundi sa araw-araw na pakikipag-komunikasyon sa komunidad, sa mga tao.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started