Vaccination centers sa Tagaytay City, bubuksan na para sa lahat ng Caviteño

LET’S VAX AS ONE!

Ilang araw matapos ideklara ng DOH CALABARZON ang pagkamit ng siyudad ng herd immunity, binuksan ng Tagaytay City ang kanilang vaccination centers para sa lahat ng residente ng Cavite.

Ibinahagi ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino sa isang facebook post na layon ng City LGU na mapabilis ang pagkamit ng herd immunity ng mga karatig na lungsod at ng buong probinsya.

“Para mapalawak natin ang pagbibigay ng bakuna at mapabilis ang pagkamit ng herd immunity ng iba’t ibang lungsod o bayan ng CAVITE, ang TAGAYTAY CITY ay nagbukas ng pintuan upang tumulong sa pagbabakuna sa LAHAT NG CAVITEÑO.”

Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino

Para sa mga interesadong magpabakuna sa lungsod na may edad na 18 pataas, maaaring magrehistro sa https://3c5.com/fodx. Siguraduhing tama ang mga detalye na ilalagay sa form at maghintay na lamang ng mensahe mula sa Tagaytay City Health Office sa schedule ng vaccination.

Litrato ng vaccination registration form para sa mga Caviteño na naninirahan sa labas ng lungsod ng Tagaytay. Kuha mula sa Google Forms na inilabas ng Tagaytay City Health Office.

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng vaccination programs sa buong probinsiya, pinalakas ng Local Vaccination Operation Center o LVOC ang workforce sa pamamagitan ng pagdadagdag ng vaccination teams. Dinagdagan din nila ang suplay ng mga immunization paraphernalia tulad ng syringe, alcohols at bandages kasabay nang pagtaas ng daily target ng lungsod.

Tinanggap ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino at Tagaytay City Health Officer Dr. Liza Capupus ang karagdagang suplay ng bakuna bilang paghahanda sa pagbubukas ng vaccination program sa buong probinsiya. Imahe mula sa City Government of Tagaytay Facebook Page.

Samantala, pinaaalalahanan naman ng Tagaytay City LGU ang mga residente at mga turistang dadayo ngayong holiday season na mag-ingat at sundin ang mga health protocols. Kabilang rito ang palagiang pagsusuot ng facemasks, social distancing, frequent handwashing at ang pagpepresenta ng mga vaccination cards sa mga public establishments tulad ng malls at restaurants.

Litrato ng mga ipinapatupad na health protocols sa lungsod ng Tagaytay tulad ng social distancing, pagsusuot ng facemasks, pagdadala ng vaccination cards, at palagiang paghuhugas ng kamay. Imahe mula sa Philippine Star (facemasks), Society for Human Resource Management (vaccination cards), NewYork Presbyterian (social distancing) at Centers for Disease Control and Prevention (frequent handwashing).

Sa kabuuan, ang pagkamit ng maximum immunization ay nasa nakataya sa konkretong plano ng pamahalaan sa pagsugpo sa pandemya at ang pakikiisa ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols at pagpapabakuna.

Para sa karagdagang detalye sa pagbabakuna at health protocols, maaring magpadala ng mensahe o bisitahin ang Facebook page ng City Government of Tagaytay at ng Tagaytay City Health Office.

Author: nicoleanacay

i write

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started