City of Mati LGU, pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansya laban COVID-19.

By Andrei Apelo

This story was published on wordpress.com on January 18, 2022, at 9:26 PM.

Patuloy ang Local Government Unit ng City of Mati sa kanilang widespread testing, vaccination, at ang mahigpit na pag implementa ng basic health protocols.

Base sa datos ng City of Mati LGU sa kanilang facebook page noong ika-22 ng Nobyembre, mayroon lamang 8 na aktibong kaso sa syudad at 3 naman ang gumaling sa naturang virus. Ayon kay City Health Office Head Dr. Ben Hur Catbagan Jr. sa Facebook Post ng City of Mati LGU noong Nobyembre 13, 2021, nasa 50% na ng 153,488 populasyon ang nabakunahan at kinakailangan ng dagdag 20% upang makamit ang herd immunity. Sunod-sunod ang pagbabakuna ng City of Mati LGU sa pamamagitan ng programang Resbakuna: Kauban sa Bida na nagbibigay ng incentives na bigas para mahikayat ang mga tao na magpabakuna.

Photo Credits: City of Mati LGU

Mahigpit rin ang mga barangay sa pagpapatupad ng City Ordinance no. 427 hinggil sa pagsusuot ng mask at social gatherings upang maiwasan ang local transmission. Ang mga guidelines sa ilalim ng ordinansya ay kaakibat na responsibilidad ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na nasa ilalim ng DILG memorandum no. 023.

Ayon naman kay April Kristine Delagua, isang Registered Nurse at City Epidemiologist Unit Nurse, nananatiling epektibo ang pagpapatupad ng mga health protocols sa syudad ng Mati dahil sa sistematikong paraan na IMT or Incident Management Team. Ang IMT kasama ng BHERTs, ang siyang nagpapakilos ng mga ordinansya upang mapigilan ang local transmission.

Nabigyan naman ng parangal ang City of Mati LGU ng Gawad Pook Award galing sa Department of the Interior and Local Government dahil sa mga mabubuting gawain o “good practices” sa gitna ng pandemya.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa Alert Level 2 ang buong syudad ng Mati kaya’t kontrolado pa rin ang mga tao nakakapasok sa mga establisyemento at mahigpit na ipinagbabawal ang mga pagtitipon. Kaakibat nito ay ang pagsuot ng face mask, face shield, at ang physical distancing dahil sa health minimum standards.

Andrei Apelo is a freshmen student of BS Development Communication at the University of the Philippines – Los Banos.

Related Contents:

Madang Public Maret nakabakuna sa 640 ka Matinians sa Nov. 12
RAMPING UP COVID-19 VACCINATION
Walay natalang kumpirmadong kaso sa Dakbayan sa Mati atol sa pagsaulog sa Semana Santa.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started